Album: Liham At Lihim (2013)Huminahon Ka[Sly Kane:]
Dahan dahan lang at baka sa paglakad mo pinto'y malampasan
Hinay hinay lang at makakarating ka rin sa'yong papupuntahan
Dahil ang nagmamadali ay ang syang laging nagkakamali
Dinaanan ko nang lahat ito kaya't ang payo ko sayo
Huminahon ka
'
[Gloc 9:]
Hoy pakiulit nga? Kilala mo ba yan?
Katatapos lang ang palaging tanong ay pang ilan
Simula pa lamang to huwag kang malilito
Ito ang kauna-unahang kanta ko sa pangpito
Ano bang sabi ko nakinig ka ba dati?
Parang gamot na 'di ininom kapag may bulate
Panigurado 'to na para bang umatake
Ang nabubulok na sikmura kailangan mong tumae
Mawalang galang na at pasintabi po
Magka prangkahan na sa mga baliko
Ilang beses ko bang uulitin
Pilitin huwag mong pigilin
Aminin ang mabaho kahit pa ligo
Tila hindi pa rin naiintindihan
Kung ano'ng kaya kong gawin at ano'ng dahilan
May mga araw ding napagiiwanan
Dahil ako pag tinabi sa inyo ay walang kaibahan
[Sly Kane:]
Dahan dahan lang at baka sa paglakad mo pinto'y malampasan
Hinay hinay lang at makakarating ka rin sa'yong papupuntahan
Dahil ang nagmamadali ay ang syang laging nagkakamali
Dinaanan ko nang lahat ito kaya't ang payo ko sayo
Huminahon ka
'
[Gloc 9:]
Ako'y isang ama tulad din ng iba
Nagtatrabaho at ang dahilan lang ay isa
Ang mapakain ang aking mga supling
Umaga, tanghalian, hapunan, pagsapit ng dilim
Gamit ang tintang itim, asul man o pula
O lapis na wala pang naimbentong pambura
Huwag kang mayabang sa daanan huwag humarang
Dapat marunong gumalang payo sa'kin ng aking ama
Pati ng aking ina inukit sa kukote
At piningot sa tenga na parang pamihit na liyabeng
Yari sa aserong tulad ng baryang pamasahe
Kapag kinulang ay maglalakad nalang sa kalye
Di lahat ng bagay ay parang laruan
Na pag ika'y naglupagi sa sahig agad kang pagbibigyan
Ang tatanda ka rin ay may kaibahan
Sa magtatanda ka rin kaya palaging tandaan
'
[Sly Kane:]
Dahan dahan lang at baka sa paglakad mo pinto'y malampasan
Hinay hinay lang at makakarating ka rin sa'yong papupuntahan
Dahil ang nagmamadali ay ang syang laging nagkakamali
Dinaanan ko nang lahat ito kaya't ang payo ko sayo
Huminahon ka
'
Dahan dahan lang at baka sa paglakad mo pinto'y malampasan
Hinay hinay lang at makakarating ka rin sa'yong papupuntahan
Dahil ang nagmamadali ay ang syang laging nagkakamali
Dinaanan ko nang lahat ito kaya't ang payo ko sayo
Huminahon ka
'
Hingang malalim
Hingang malalim
Hingang malalim
Huminahon ka